Saturday, May 8, 2010

Mothers

Mothers play a big role in one's life. No one will be successful without our mother. They say that mothers knows best; but I guess it does not apply in all situations though they're opinions and reminders are good to consider.

My mother is not the best but she is one of a kind in her own way. I remember when I was in elementary years, I wrote to my cousin and share to her about my crush; unfortunately my mom was able to read it. She talked to me about it, but of course I was a bit scared. From then I learned to keep a secret every time I have a crush. My mom is strict, she wants me to be at home before 6 pm or else she will really really get mad at me. I had this experienced when I got home... she threw a padlock at me luckily, I wasn't hit. She thought I went to Manila, but it was not true and was not able to explain myself. Even though we had these experiences, I had an unforgettable moment with her. One time, I represent our class in an art contest... It was not easy because I was the only person assigned and on a rush. I had only one day to complete my entry, I almost freak out. But the next day, she helped me. She comes with me going to school and we collaborate... Finally I won the third place. With all these things, I thank her for everything. Now, I realize that if she wasn’t like that, I don't think I am what I am today.

Let us admit that our mothers actually affects of who we are. But it doesn’t necessarily mean that we have the right to blame them if we are not on the right track of our lives. They are there to guide, support and love us forever. As what we always hear, when no one seems to love us… we have our mothers that will never bring us down.

Friday, May 7, 2010

‘Pag nagtatrabaho…

Minsan kay hirap gumising ng napakaaga,
Para lamang makapasok ng maaga.
Magluluto ng food para sa almusal,
At ang babaunin para sa tanghalian.
Pagkatapos ng lahat ng ito…
Oras na upang ako naman ay maligo.
Pagkalipas ng ilan pang minuto,
Hayan at redi ng umalis sa kwarto.

Biyahe dito, biyahe doon,
Kahit san ka paroroon,
Tiyak na mahuhuli ka sa opisina,
Kung matatrapik ka sa tuwi-uwina.

Ilang oras pa lang ang inuupo sa opisina,
Inaantay ng magtanghalian,
Upang ang oras ay mabawasan,
At mabusog na ang aking kalamnan.

Salamat! Nabawasan na ng tatlong oras…
Pero mahaba pa ang natitirang oras.
Ano pa kaya ang magagawa,
Sa mga oras na walang magawa.
Kwentuhan? Chat? Kumain?
Alin pa ba nde pa nagagawa?

Pagdating sa trabaho
Dapat visor ay mapapa wow,
Pati mga manager ay mapapa bow.
Sa trabahong walang kasing husay.

Isa, dalawa o tatlong oras na lang…
Lahat ay nag-aabang…
Lahat ay gusto ng umuwi,
Para ang bagot at pagod ay tuluyan ng mapawi.

Oras na para umuwi,
Bukas ay siguradong babawi,
Sa trabahong ibibigay,
Pangakong hindi sasablay.

Sidewalk Vendors

Kahit saan, sila ay makikita,
Kahit ano, kanilang binebenta,
Yosi at kendi madalas nilang tinda,
Isama mo pa instant noodles, at mga chichirya,
Pati na rin ata mga pang meryenda.
Halos lahat ay meron na sila
Ano pa ba ang hahanapin mo sa kanila?

Sidewalk vendors ang tawag sa kanila,
Minsan sila ay mga pasaway,
Batas ay kanilang sinusuway,
Mga nagkukubli pag si Kapitan ay dadaan,
Dahil mga tinda nila, tiyak kukunin.
Paglagpas ni Kap,
Benta nila ilalapat muli sa lapag.
Nakakatawa silang tignan,
Parang mga paslit na nagtataguan,
Mahuli ay siyang talo,
Larong… ang mga vendors ay walang kapana-panalo.

Trabaho nila’y mahirap kung titignan,
Pero iyon ang kanilang kabuhayan.
Sana sila ay pansinin,
Bigyan ng kahit konting pagtingin.

PU – LI – TI – KO

Makulay ang mundo ng pulitika,
Mga pulitiko tila’y nde namumutla,
Na para bagang walang mga sala.

PU – ro na lamang pananamantala
LI – ngid sa kanila, kahirapan ng madla
TI – is at dusa, hindi nila pinagdadaanan,
KO – rapsyon ang kanilang konsiderasyon.

Simpleng mga bagay, pabor pa din sa kanila,
Paano pa kaya ang mga bigating usapan.
Malalaking halaga, na sa ating bulsa kinukuha,
Wala man lang pasubali sa pagkuha.

Ang mga pulitko naman ay bumabait,
Na para bagang mga anghel na walang bait.
Pag sila ay nabuking,
Kilos nila’y malambot pa sa bading.
Lusot ng lusot na parang surot,
Dahil sa taong bayan sila ay mananagot.

Ugali ng pulitiko, hindi maintindihan,
Daig pa ang mga kababaihan,
Daig pa ang mga batang paslit,
Dahil kagustuhan nila’y talagang ipipilit.

Mga pulitiko kelan magbabago…
Sabi nila “Panahon na ng Pagbabago”
Pero nasan ang mga kilos ninyo,
Dali-dalian baka kami’y sobrang mainis na sa inyo.

Hinalal namin kayo upang tumulong,
Hindi para sa korapsyon kayo’y malulong.
Inyong tandaan, taong-bayan ay may isip,
Lagot kayo pag kayo ay aming nahagip.

Define love…

Define love…

Lahat ng tao ay nagmamahal,
Minamahal, at magmamahal.
Di nga lang tiyak kung kelan,
Kanino, paano at gaano.

Masarap magmahal,
Mahirap sumugal.
Masarap ang pakiramdam,
Mahirap masaktan.
Masarap mahalin,
Mahirap pag may kapalit.
Masarap ang may minamahal,
Mahirap pag ‘di ka mahal.

Pag love ang pinag-uusapan,
Kay daming sarap at hirap na iyong mararanasan.
Pag love na ang topic,
Lahat ng tao ay nananabik.

Hindi masukat ang epekto ng love.
Sa buong mundo ito ay tumatalab.
Sa kahit kaninong nasyon,
Itong love ay umaayon.

Ako, ang pinakagusto ko sa love?
Dahil dito nagiging masaya ako.
Pero dahil din sa love nalulungkot din ako.

Ang gulo pag nagmamahal,
Pero bakit ang lahat ay handang magmahal?
Lahat ay kayang magsakrispisyo.

Ikaw, paano ka magmahal?