Friday, May 7, 2010

PU – LI – TI – KO

Makulay ang mundo ng pulitika,
Mga pulitiko tila’y nde namumutla,
Na para bagang walang mga sala.

PU – ro na lamang pananamantala
LI – ngid sa kanila, kahirapan ng madla
TI – is at dusa, hindi nila pinagdadaanan,
KO – rapsyon ang kanilang konsiderasyon.

Simpleng mga bagay, pabor pa din sa kanila,
Paano pa kaya ang mga bigating usapan.
Malalaking halaga, na sa ating bulsa kinukuha,
Wala man lang pasubali sa pagkuha.

Ang mga pulitko naman ay bumabait,
Na para bagang mga anghel na walang bait.
Pag sila ay nabuking,
Kilos nila’y malambot pa sa bading.
Lusot ng lusot na parang surot,
Dahil sa taong bayan sila ay mananagot.

Ugali ng pulitiko, hindi maintindihan,
Daig pa ang mga kababaihan,
Daig pa ang mga batang paslit,
Dahil kagustuhan nila’y talagang ipipilit.

Mga pulitiko kelan magbabago…
Sabi nila “Panahon na ng Pagbabago”
Pero nasan ang mga kilos ninyo,
Dali-dalian baka kami’y sobrang mainis na sa inyo.

Hinalal namin kayo upang tumulong,
Hindi para sa korapsyon kayo’y malulong.
Inyong tandaan, taong-bayan ay may isip,
Lagot kayo pag kayo ay aming nahagip.

No comments:

Post a Comment