Friday, May 7, 2010

‘Pag nagtatrabaho…

Minsan kay hirap gumising ng napakaaga,
Para lamang makapasok ng maaga.
Magluluto ng food para sa almusal,
At ang babaunin para sa tanghalian.
Pagkatapos ng lahat ng ito…
Oras na upang ako naman ay maligo.
Pagkalipas ng ilan pang minuto,
Hayan at redi ng umalis sa kwarto.

Biyahe dito, biyahe doon,
Kahit san ka paroroon,
Tiyak na mahuhuli ka sa opisina,
Kung matatrapik ka sa tuwi-uwina.

Ilang oras pa lang ang inuupo sa opisina,
Inaantay ng magtanghalian,
Upang ang oras ay mabawasan,
At mabusog na ang aking kalamnan.

Salamat! Nabawasan na ng tatlong oras…
Pero mahaba pa ang natitirang oras.
Ano pa kaya ang magagawa,
Sa mga oras na walang magawa.
Kwentuhan? Chat? Kumain?
Alin pa ba nde pa nagagawa?

Pagdating sa trabaho
Dapat visor ay mapapa wow,
Pati mga manager ay mapapa bow.
Sa trabahong walang kasing husay.

Isa, dalawa o tatlong oras na lang…
Lahat ay nag-aabang…
Lahat ay gusto ng umuwi,
Para ang bagot at pagod ay tuluyan ng mapawi.

Oras na para umuwi,
Bukas ay siguradong babawi,
Sa trabahong ibibigay,
Pangakong hindi sasablay.

No comments:

Post a Comment